Biyernes, Disyembre 14, 2012

modyul 8: Ang Simbahang Katoliko: Isang makapangyarihang institusyon sa gitnang panahon.


BANGHAY ARALIN
Pangkalahatang Impormasyon
May Akda
 Hindi inilahad
Pamagat ng Aralin
Ang Simbahang Katoliko: Isang makapangyarihang institusyon sa gitnang panahon.
Pamamarati
 45 minuto
Lugar
 Silid Aralan
Asignatura/Paksa
Araling Panlipunan III
Antas
 Ika-siyam na baitang
Layunin at Pagsusuri
Mga Layunin
  • Matatalakay ang paglakas ng simbahang katoliko bilang isang makapangyarihang institusyon sa gitnang panahon
  • Maipaliwanag ang tungkol sa kapapahan
  • Maisasalarawan ang naganap na krusada sa gitnang panahon
Pagsusuri
  • Pag-oobserba sa pagsusuri ng may kaukulang gabay
  • Panulat na Pagsusulit
  • Takdang Aralin
Paghahanda
Kagamitan/ Sangunian
  • Mga makukulay na papel
  • Larawan
  • Sinulid at pandikit
Paghahanda ng mga Mag-aaral
·          Pagkalap ng impormasyon tungkol sa simbahang katoliko: isang makapangyarihang institusyon sa gitnang panahon
Paghahanda ng mga Guro
·         Paggawa ng mga biswal na presentasyon sa mga  mahahalagang salita, tao at pangyayari
·         Pagkalap ng mga larawan at impormasyon
Pamamaraan
Gawain ng mga Mag-aaral
  • Suriin at pag-usapan ng bawat miyembro ang mga larawan na naitalaga sa kanila
  • Mamili ng tatlong miyembro na magrerepresenta sa bawat grupo.
  • Ilahad ang impormasyon sa klase patungkol sa  mga larawan.
Gawain ng mga  Guro
  • Igrupo ang mga estudyante sa tatlo na may walong miyembro bawat isa.
  • Ibigay ang panuto sa aktibidades.
  • Tulungan ang mga mag-aaral sa pagresolba ng mga katanungan sa kanilang kaisipan.
  • Magtanong sa mga natitirang miyembro nang mas malawak pang impormasyon.
o   Ano ang tawag sa banal na aklat ng mga Hudyo?
o   Ano ang nakalagay sa sampung utos ng Diyos?
o   Ano ang monoteyismo?
o   Saan nagmula ang salitang Kristyano?
o   Ano ang Kapapahan?
o   Saan hango ang pangalang Pedro?
o   Ano ang ibig sabihin nang Krusada?

                                                                             Inihanda Nina:
MAYLENE L. ARESGADO
JENNY P. CASTILLO
(MGA GURO)


Iniwasto ni:


SHERYL R. MORALES, Ph.D
Punung-Guro







TAKDANG ARALIN:

  1. Magtala ng tatlong bagay na ginagawa ng Kristyano sa mga pagdiriwang na ito:

PASKO:
1.)  __________________
2.)  __________________
3.)  __________________

SEMANA SANTA
1.)  __________________
2.)  __________________
3.)  __________________

  1. Punan ang mga pangalan ng opisyales sa iyong probinsya o siyudad.
a)    Pari ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
b)   Arsobispo ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
c)    Papa ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
d)   Obispo ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________








  1. Gumawa ng “retrieval chart” kung saan itatala mo ang mga sumusunod.

3 Importanteng krusada
Pinuno
Katangian
Bunga



















PANGWAKAS NA PAGSUSULIT:
         
PANUTO: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1.)  Isang banal na digmaan na inilunsad ng Simbahang Kristyano laban sa mga Turkong Muslim na sumakop sa Jerusalem.

a.    Kabalyerismo
b.   Krusada
c.    Piyudalismo
d.   Manoryalismo

2.)  Ang kinikilalang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko ay ang:

a.    Obispo
b.   Hari
c.    Papa
d.   Arsobispo

3.)  Si Jesus ay kinikilala ng mga kristyano na:

a.    Propeta
b.   Hari ng Hudyo
c.    Messiah
d.   Apostole


4.)  Ang Papa na naghimok sa mga kabalyero na maging krusador ay si:

a.    Papa Leo I
b.   Papa Urban II
c.    Papa Innocent I
d.   Papa Gregory VII

5.)  Ang kristyanismo ay nagmula sa relihiyong:

a.    Hudaismo
b.   Zoroasterianismo
c.    Pyudalismo
d.   Budahismo

6.)  Sino sa mga sumusunod ang pinuno ng Turkong Muslim na nasagupa ni Haring Richard I ng England?

a.    Philip
b.   Mohammad
c.    Saladin
d.   Abu bakr

7.)  Si Charlemagne na naging emperador ng banal na imperyo ng Romana ay mula sa:

a.    Germany
b.   Italy
c.    France
d.   Constantinople

8.)  Ang sagisag ng krusada ay:

a.    Espada
b.   Krus
c.    Medalyon
d.   Kabayo

9.)  Sino ang itinuturing na ama ng mga Hudyo?

a.    Moses
b.   Jacob
c.    Abraham
d.   Jesus

10.)          Sino sa mga sumusunod ang binigyan ng sampung utos ng diyos?

a.    Moses
b.   Jacob
c.    Abraham
d.   Jesus

MGA SAGOT:

1.)  B
2.)  C
3.)  C
4.)  B
5.)  A
6.)  C
7.)  C
8.)  D
9.)  C
10.)A

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento